bootgap.pages.dev


Talambuhay ni marcelo del pilar

Panulat ang naging sandata ni Marcelo del Pilar upang makatulong sa ikalalaya ng Pilipinas noong panahon ng Kastila. Ipinanganak siya sa Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, Ama niya si Juan Hilario del Pilar, tatlong ulit na naging gobernadorcillo, at ina naman niya si Blasa Gatmaytan. Mayaman ang pamilya del Pilar kaya natustusan ang pag-aaral ni Marcelo.

Nang magtatapos na sa abugasya ay sinamang palad na masuspinde si Marcelo at mabilanggo ng 30 araw nang makipagtalo siya sa Kura ng San Miguel tungkol sa pagtataas ng bayad sa pagbibinyag. Ang galit niya sa pamahalaang Kastila at sa mga prayleng Espanyol ay nadagdagan nang mapagbintangang kasangkot sa Cavite Mutiny ang kapatid niyang si Padre Toribio del Pilar.

Nang makabalik sa UST ay tinapos niya ang abugasya na may itinatagong galit. Upang makapaghiganti ay matapang siyang nagbibigay ng mga kritisismo laban sa pamahalaan at simbahan sa kaniyang mga talumpati sa mga kapistahan, binyagan at pati na sa mga sabungan. Noong ay isa siya sa nagtatag ng Diariong Tagalog na unang pahayagang nalimbag sa dalawang wika.

Dito isinulat niya ang maraming propaganda laban sa mga kaaway. Nang pangunahan niya ang maraming demonstrasyong humihingi ng pagpapatalsik sa mga prayleng Kastila ay pinaghanap siya ng mga awtoridad. Ito ang naging dahilan upang lumabas siya sa Pilipinas. Bago umalis ay itinatag niya ang Junta de Programa na nagpapalawak sa pandaigdigang propaganda.

Marcelo h. del pilar cause of death

Espanya ang pinuntahan ni Marcelo. Upang hindi matunton ninuman, ilan sa mga tagong pangalang ginamit ni Marcelo ang mga sumusunod: Plaridel, Siling Labuyo at Dolores Manapat. Ilan sa mga nakapagpababa ng tingin sa pamahalaang Espanya at sa mga prayleng Espanyol ay mga akda ni Marcelo sa Tagalog at Espanyol. Nagkahirap-hirap si Marcelo sa pagpapalimbag ng La Solidaridad.